^

PSN Palaro

Clippers tinalo ang Warriors para sa 3-2 lead; Wizards tinapos ang serye nila ng Bulls

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES -- Nag­balik ang Los Angeles Clippers sa kanilang ‘’safe haven’’ at nakalapit sa pana­lo sa kanilang ikatlong playoff se­ries sapul nang bilhin ni Do­nald Sterling ang kopo­nan noong 1981.

Wala sa audience ang 80-anyos na si Sterling pa­ra ipagdiwang ang 113-103 tagumpay ng Clippers kon­tra sa Golden State War­riors.

At maging sa mga su­sunod na laro rin ng kopo­nan.

Humakot si center DeAndre Jordan ng 25 points na isang playoff career-high, at 18 rebounds, habang nagdagdag 20 points si Chris Paul para ibigay sa Clippers ang 3-2 bentahe sa kanilang first-round series ng Warriors.

‘’I think it put a lot of guys’ minds at ease,’’ sabi ni Paul. ‘’It’s been tough the last few days, but we’ve been getting through it.’’

Nakipagpalitan ng high five si Clippers coach Doc Ri­vers sa kanyang mga pla­yers sa huling mga se­gun­do ng laro, habang niyakap naman ni guard Jamal Crawford ang kanilang mga fans sa courtside pa­punta sa locker room.

Maaaring tapusin ng Clip­pers ang kanilang serye ng Wizards sa Game 6 sa Huwebes sa Oakland.

Nauna rito, tumanggap muna ang Clippers ng standing ovation para sa kanilang pregame warm­ups.

Sa Chicago, winakasan ng Washington Wizards ang kanilang serye ng Bulls nang ilista ang 75-69 panalo sa Game 5.

Kumamada si guard John Wall ng 24 points ka­sunod ang 20 si Nene pa­ra sa 3-2 kalamangan ng Wizards sa kanilang serye ng Bulls.

Nag-ambag si Bradley Beal ng 17 points at uma­bante ang fifth-seeded na Wizards sa second round sa ikatlong pagkakataon ma­tapos noong 1970s.

Makakatapat ng Wi­zards ang alinman sa India­na o Atlanta para sa Eas­tern Conference semifinals.

Nasa ibabaw ang Hawks 3-2 sa kanilang serye ng Pacers.

Sa Oklahoma City, ti­nakasan ng Memphis Griz­zlies ang Thunder sa overtime, 100-99, upang ku­nin ang 3-2 bentahe sa kanilang serye.

Puwedeng tapusin ng seventh-seeded na Grizzlies ang kanilang serye ng second-seeded na Thunder sa Game 6 sa Hu­webes sa Memphis.

Tumipa si Mike Miller ng 21 points, samantalang may 20 markers si Zach Ran­dolph at 17 si Mike Con­ley para sa Grizzlies.

Kumayod naman si Russell Westbrook ng triple-double mula sa kanyang 30 points, 13 assists at 10 rebounds sa panig ng  Thunder, habang may 26 points si Kevin Durant.

BRADLEY BEAL

CHRIS PAUL

DOC RI

GOLDEN STATE WAR

JAMAL CRAWFORD

JOHN WALL

KANILANG

KEVIN DURANT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with