Tigresses sinelyuhan ang top seed, Lady Agilas kinumpleto ang quarterfinals
MANILA, Philippines - Gumawa ng tig-15 puntos sina May Agton at Venus Flores para panguÂnahan ang Davao Lady AÂgiÂlas sa 25-18, 25-22, 25-23, panalo sa San Sebastian Lady Stags habang nagtala rin ng straight sets tagumpay ang UST Tigresses sa Perpetual Help Lady Altas sa pagtatapos kahapon ng elimination ng Shakey’s V-League Season 11 First ConfeÂrence sa The Arena sa San Juan City.
Ang lahat ng puntos ni Agton ay galing sa atake habang may 13 attack points pa si Flores upang bigyan ang Lady Agilas ng 45-36 kalamangan dito.
Naging agresibo ang laro ng Davao upang magkaroon ng momentum papasok sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Namaalam naman ang Lady Stags nang lasapin ang ikaapat na pagkatalo matapos ang limang laro.
Ibinuhos ni Gretchel Soltones ang lahat ng 10 puntos sa atake ngunit siya lamang ang nasa double-digit para mabigo ang multi-titled Lady Stags sa hinangad na playoff laban sa FEU Lady Tamaraws para sa huling tiket patungong quarterfinals sa Group B.
Kinalos ng Tigresses ang pahinga ng Perpetual Help Altas, 25-15, 25-17, 25-17, sa ikalawang laro.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng UST para makasalo sa unahan ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs at Lady Agilas sa 4-1 karta.
Pero lumabas bilang number one ang TigresÂses matapos ang tie-break para makasama ang Ateneo Lady Eagles, AdamÂson Lady Falcons at Davao sa Group 1.
Ang Arellano Lady Chiefs, NU, St. Benilde Lady Blazers at FEU ang magkakasalo sa Group 2 sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil. (AT)
- Latest