^

PSN Palaro

Walk A Mile para sa Asiad kasado na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  Walk A Mile ang ga­gawin ng Philippine Sports Com­mission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa Mayo 11 para ipaalam sa sambaya­nan ang isasagawang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Sina PSC chairman Ri­cardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. ang siyang mangungu­na sa kanilang hanay at sa­sama­han sila ng mga bisitang opis­yales mula Olympic Council of Asia (OCA) at Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) sa nasabing kaganapan.

Hinihingi ng IAGOC ang suporta ng lahat ng kasaling bansa na palakasin ang interes sa Asiad sa pagdaraos ng mga kaganapan sa kanilang bansa.

“As one of the compe­ting nation, we are suppor­ting the efforts of IAGOC at create awareness for the Games with the holding of the Walk A Mile,” wika ni Garcia.

Magsisimula ang pag­lalakad sa 1.6-kilometro sa Aristocrat at magtatapos ito sa Rizal Monument sa Luneta Park.

Ang mga kasapi ng Pambansang koponan, mga opisyales ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) at mga differently-abled athletes ay inaasahang mag­bibigay ng kanilang suporta.

Sinabi naman ni PSC Program Director Dr. Lauro Domingo Jr. na katuwang si Norberto Dinglasan na may hawak sa proyekto na ang IAGOC ay magdadala ng 800 sumbrero at mga t-shirts para ipamigay sa mga sasama sa paglakad.

Ang Pilipinas ay may 133 atleta na para sa Pambansang delegasyon na ilalaban sa Asian Games na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 at hanap ng koponan na mahigitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na napanalunan noong 2010 Games sa Guangzhou, China.

 

ANG PILIPINAS

ASIAN GAMES

DR. LAURO DOMINGO JR.

GARCIA

INCHEON ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JOSE COJUANGCO JR.

LUNETA PARK

SHY

WALK A MILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with