Obiena magsasanay sa Italy
MANILA, Philippines - Tatlong buwang pagsasanay sa Formia, Italy ang tinanggap na pabuya ng batang pole vaulter na si Ernest John “EJ†Obiena matapos maabot ang limang metrong marka sa nilahukang 21st Taiwan Non Tou Indoor Pole Vault Championship noong nakaraang buwan.
Ang alamat sa sport na si Sergei Bubka ang siyang nagbigay ng pagkakataon sa 18-anyos na si Obiena na magsanay sa Italy sa loob ng tatlong buwan bilang bise presidente ng International Athletics Federation (IAAF).
Ang aksyon ni Bubka ay bilang pagtupad sa kanÂyang naunang pangako na tutulungan si Obiena na magsanay sa labas ng bansa kung maaabot ang 5-meter mark.
Bumisita si Bubka sa bansa noong Pebrero at nakipagpulong kay PATAFA president Go Teng Kok na tutulungan si Obiena kung maaabot ang 5-meter marka.
Lalabas si Obiena bilang ikalawang Filipino na nakaÂgawa nito pero ang una na si Fil-Am Edward Lasquete ay nakaabot nito noon pang 1992 Barcelona, Olympics.
Tumapos si Obiena sa ikapitong puwesto sa kompetisyon sa Chinese Taipei pero lumabas siya bilang pinakamahusay sa lahok mula South East Asia upang magkaroon ng tibay na puwede niyang pangunahan ang malalaking kompetisyon sa pole vault sa rehiyon sa hinaharap.
Umalis na kamakalawa si Obiena kasama ang kanyang coach at ama na si dating national pole vaulter Emerson Obiena para pasimulan ang pagsasanay na pangangasiwanan ng grupo ni Vitaly Petrov.
Ang 76-anyos na si Petrov ang coach ng mga world at Olympics champion na sina Bubka, Giuseppe GibilisÂco, Yelena Isinbayeva at Fabiana Murer kaya’t malaki ang maitutulong nito sa batang Obiena para lumabas pa ang nakatagong potensyal.
- Latest