^

PSN Palaro

Pinas itinakas ang 2 ginto sa Asian Paratriathlon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipaghiganti ni Sixto Ducay ang pagkatalo niya sa isang Malaysian para­triathlete para tulungan ang Pilipinas na makahagip ng dalawang ginto sa idinaos na Paratriathlon Asian Championships kahapon sa Subic Bay Freeport.

Si Ducay ay naorasan sa 750-m swim, 20-k bike, 5-k run karera na inor­ganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at bahagi ng 2014 K-Swiss ITU Subic Bay International Triathlon (SUBIT) ng 1:17:90 sa pinaglabanang TRI-4 (arm impairment).

Si Mohd na tinalo si Ducay sa karerang ginawa sa mas maigsing distansya na 300-m swim, 6-k bike at 2-k run, ay napahirapan sa pinahabang swim at bike tungo sa 1:18:22 tiyempo.

“Tibay ng loob ang ginawa ko dahil naghabol ako sa bike hanggang sa lumamang sa run. Kapos ako sa training dahil dalawang beses lang kada linggo ang pagsasanay ko pero inireserba ko ang sarili ko sa forte ko lalo na sa run,” wika ng 46-anyos na si Ducay na nanalo na rin ng dalawang pilak sa 800-meter run sa 2009 at 2013 ASEAN ParaGames.

Wala namang nakala­ban si TRI 2 (severe leg im­pairment) si  Andy Avel­la­na upang mapanatili ang titulo sa naisumiteng 1:44:16 oras sa karerang handog ng K-Swiss at may ayuda pa ng Century Tuna, Harbor Point, Ayala Malls,  Gatorade, SPEEDO, Standard Insu­rance, Harbor Point, Ayala Malls, David Salon, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Tourism Department at Philippine Sports Commission (PSC).

Ang lahok ng Japan ang siyang lumabas bilang pinakamahusay  nang angkinin ang huling apat na kategoryang pinaglabanan.

Si Toshio Furubata ay may 1:08:44 sa TRI 5 (mo­­derate leg impairment), si Toshihiro Shirae ay may 1:17:03 sa TRI 6 (vi­sually impaired, si Shingo Kuboyama ay may 1:18:22 sa TRI 3 (Les Autres) at si lady paratriathlete Atsuko Yamada ay may 1:28:30 sa TRI 6.

Magtatapos ang dalawang araw na kompetisyon na may suporta pa ng Tra­veler’s Hotel, Blackbeard’s Seafood Island at Green Triathlon sa paglarga ng male at female Elite at Age Group Championships.

 

vuukle comment

AGE GROUP CHAMPIONSHIPS

ANDY AVEL

ATSUKO YAMADA

AYALA MALLS

CENTURY TUNA

DAVID SALON

DUCAY

HARBOR POINT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with