^

PSN Palaro

Literatus patuloy ang pamamayagpag sa age-group chess

Pilipino Star Ngayon

San Antonio, Quezon, Philippines - -- Patuloy ang mainit na paglalaro ni Palarong Pambansa gold medalist FM Austin Jacob Literatus  ng Da­vao City sa boys’ 20 years old and under cate­gory sa 2014  National Age-Group Chess Championship Grand Finals sa Leachar Resort at Leisure Park.

Tumabla si Literatus kay top seed na si FM Paulo Bersamina sa fifth round at nanaig laban kay Jeffer­son Manzanero sa sixth round upang patatagin ang paghawak sa liderato sa kanyang 5.0 points sa event na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP)  sa pakikipagtulungan sa Mu­nicipal Government ng San Antonio, Quezon sa pa­ngunguna nina Mayor Erick M. Wagan at  Vice Ma­yor Jay S. Vesuño.

Ang multi-titled campaigner mula National Uni­versity ay lamang ng ka­lahating puntos kina Bersamina at Marc Christian Nazario.

Tinalo ni Bersamina si Virgen Ruaya, habang wi­nalis ni Nazario si Justin Lita sa nasabing round.

Samantala, binigo ni WFM Janelle Mae Frayna si Enrica Villa at pinayukod naman ni WFM Marie An­toinette San Diego si Lu­cele Bermundo para ma­kasalo sa liderato si  UAAP MVP WFM Jan Jodilyn Fronda na may  3.5 points sa five rounds.

Nanalo rin si Jerad Do­cena ng Tagbilaran Ci­ty la­ban kina Baltazar Ra­fael at Aljie Cantonos upang manatili sa itaas sa kanyang 6.0 points sa boys 18-under, habang binigo ni Michelle Yaon kay Frances Dianne Surposa para sa kan­yang 5.0 points sa girls 18 under.

ALJIE CANTONOS

AUSTIN JACOB LITERATUS

BALTAZAR RA

BERSAMINA

ENRICA VILLA

FRANCES DIANNE SURPOSA

JAN JODILYN FRONDA

JANELLE MAE FRAYNA

JAY S

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with