^

PSN Palaro

3 Pinoy GMM sasabak sa Extreme Memory tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak sa isang bigating torneo ang tatlong Grandmasters of Memory (GMM) ng bansa na sina Mark Anthony Castañeda, Erwin Balines at Johann Abrina.

Ang tatlo ay naimbitahang lumahok sa Extreme Memory Tournament 2014 sa Abril 26-27 sa Dart Neuroscience Convention Center, San Diego, California.

Makakasagupa nila ang mga top mind athletes ng mundo kabilang ang world  No.1 na si Johannes Mallow at ang dating world champion na si Gunther Karsten ng Germany.

“Talagang salang-sala ang torneong ito. Ang mga pinakamahuhusay lang sa mundo ang naimbitahang sumali rito,” sabi ng head of delegation at coach ng koponan na si Roberto Racasa.

  Ang 16 na manlalaro ay hinati sa apat na grupo kung saan napabilang sina Castañeda at Abrina sa Group A at si Balines naman ay napunta sa Group B.

Ang top two players ng bawat grupo ay uusad sa knockout stage kung saan one-on-one ang labanan.

Ang kampanya ng mga Pinoy sa naturang torneo ay suportado ng  AVESCO Marketing Corp. at ng Philippine Mind Sports Association, Inc. sa tulong na rin ng   CGBP.org, Hotel Sogo and Eurotel, W.I.N. International, at Rotary Club Of Pasig City.

DART NEUROSCIENCE CONVENTION CENTER

ERWIN BALINES

EXTREME MEMORY TOURNAMENT

GRANDMASTERS OF MEMORY

GROUP A

GROUP B

GUNTHER KARSTEN

HOTEL SOGO AND EUROTEL

JOHANN ABRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with