UAAP aalisin na ang 2-year residency rule
MANILA, Philippines - Handa ng alisin ng UAAP board ang two-year residency rule para sa mga atletang-mag-aaral na lumilipat ng paaralan.
Ayon sa ulat ng Spin.ph, isang batas ang ginagawa ng pamunuan ng liga na makakatugon sa pamimirata ng mga malalaking paaralan na isa sa malaking dahilan kung bakit ginawa ng UAAP ang 2-year residency rule bago nagsimula ang Season 76.
Magsasagawa ang UAAP ng regular board meeting sa Miyerkules para pag-usapan ang mga pamamaraan upang alisin ang mga malalaking “bonuses†na ibinibigay sa isang mahusay na manlalaro ng isang paaralan upang lumipat ito.
Ang two-year residency rule ay para sa mga atletang manÂlalaro na magtatapos ng high school at lilipat ng ibang paaralan .
Kailangang maupo ng dalawang taon ang atletang manlalaro na lilipat ng ibang paaralan at hindi bibigyan ng release papers mula sa mother school
Pero ang bagay na ito ay umani ng pambabatikos matapos maapektuhan ang ilang mahuhusay na high school players sa pangunguna nina Jerie Pingoy na nagtapos ng high school sa FEU pero lumipat ng Ateneo sa pagtungtong ng college.
Ang kanyang kaso ay umani ng atensyon kay SenaÂdora Pia Cayetano na bumalangkas pa ng Senate Bill 2266 o Magna Carta for Student na naglalayong bigyan ng karapatan ang atletang-mag-aaral na pumili ng paÂaralang nais pasukan.
Si Pingoy ay nasa ikalawang taon ng pagsisilbi sa residency requirement pero may posibilidad na maÂkaÂpaglaro na sa taong ito kung matuloy ang pagkilos ng UAAP board.
- Latest