^

PSN Palaro

Spurs, Trail Blazers nakauna

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO - Bumalikwas ang San Antonio Spurs, pinangunahan ng 27 points ni Tim Duncan, para angkinin ang 90-85 panalo laban sa Dallas Mavericks sa Game One ng kanilang NBA first-round playoff series.

Iniwanan ng Mavericks ang Spurs, hangad na muling makabalik sa NBA finals sa ikalawang sunod na pagka­kataon matapos matalo sa Miami Heat sa nakaraang championship series, sa 71-81 sa 7:45 minuto sa fourth quarter.

Ngunit gumamit ang Spurs ng 19-4 scoring run para kunin ang tagumpay.

“We’re very fortunate,” sabi ni Duncan, humablot din ng 7 rebounds para sa Spurs.

Kumolekta si All-Star point guard Tony Parker ng 21 points, 6 assists at 4 rebounds para sa Spurs, inangkin ang kanilang ika-10 sunod na panalo sa kanilang banggaan ng Mavericks.

Marami ang nagsasabing pormalidad na lamang ang kailangan ng Spurs para makaabante sa second round.

Matapos kunin ng Spurs ang first quarter, 21-12, ina­gaw naman ng Mavericks ang unahan sa fourth period.

Ngunit nabigo silang makapuntos sa huling pitong minuto ng laro.

 Nalimitahan si Mavericks star Dirk Nowitzki sa 11 points at  8 rebounds mula sa 4-of-14 shooting.

Sa Houston, tinalo ng Portland Trail Blazers ang Ro­c­kets, 122-120, sa overtime.

Kumamada si LaMarcus Aldridge ng 46 points -- ang Blazers franchise record para sa isang playoff game -- at 18 rebounds bago na-foul out sa overtime.

Nagdagdag si Damian Lillard ng 31 points,  para sa Portland.

DALLAS MAVERICKS

DAMIAN LILLARD

DIRK NOWITZKI

GAME ONE

MIAMI HEAT

NGUNIT

PARA

PORTLAND TRAIL BLAZERS

SA HOUSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with