Road Warriors iiwas madungisan vs Oilers
Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
12 nn Boracay Rum
vs Big Chill
2 p.m. Derulo Accelero vs NLEX
4 p.m. Cafe France vs Cebuana Lhuillier
MANILA, Philippines - Hindi malayong maiÂpagÂpatuloy ng NLEX Road Warriors ang kanilang paÂnaÂnalasa sa PBA D-League Foundation Cup na magbabalik-aksyon ngaÂyon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon matutungÂhayan ang laro ng Road Warriors kontra sa Derulo Accelero Oilers at ikaanim na dikit na panalo ang mapapasakamay ng multi-titled team kung mangiÂbabaw sa Oilers na hindi pa nananalo matapos ang limang asignatura.
Dinurog ng NLEX ang naunang nakaharap at ang winning margin nila ay nasa 18 puntos.
Wala pa rin ang head coach na si Boyet Fernandez pero hindi nagbago ang laro ng koponan kahit si Mon Celis ang dumidisÂkarte nang pataubin nila ang Café France Bakers (88-67) at Cagayan Valley Rising Suns (83-74).
Habang patok ang NLEX, masasabing dadaan sa butas ng karayom ang apat na iba pang kopoÂnan na magtatagisan at puntirya ang mahalagang panalo upang mapaganda ang kinalulugarang puwesÂto sa team standings.
Kakapit pa ang CebuaÂna Lhuillier Gems sa ikalawang puwesto sa pagsukat sa Bakers na siyang huÂling laro dakong alas-4 ng hapon.
Unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghalil ay ang sukatan ng Boracay Rum Waves at Big Chill Superchargers at ang mananalo ay aangat sa 3-2 karta.
Ang Waves, Superchargers at Bakers ay kaÂsalo ng pahingang Blackwater Sports Elite na may 2-2 karta upang magkasalo sa ikaapat hanggang ikapitong puwesto.
- Latest