Simula na ang laban ni Ravina para sa titulo
MANILA, Philippines - Mahirap ang daang tatahakin ni Jonifer ‘Baler’ Ravina sa kanyang tangkang manalo uli sa Le Tour De Filipinas na lalarga ngayon para sa ikalimang edisyong karera ng International Cycling Union (UCI).
Ilalarga ang unang stage ng apat na araw na karera na 160 kilometer Clark to Olongapo City sa harap ng Oxford Hotel sa ganap na alas-8:30 ng umaga at magtatapos sa Olongapo National High School.
Nangako ang beteranong si Ravina , tubong Asingan, Pangasinan, na bawiin ang titulong napanalunan niya noÂong 2012.
“Gagawin ko ang lahat para manalo uli. Pinaghandaan namin ng team ko ang Le Tour, wika ni Ravina ng continental team na 7-Eleven Road Bike Philippines kung saan kasama si two-time local Tour champion Mark Galedo.
Inaasahang magiging palaban din si Santy Barnachea ng Philippine Navy-Standard Insurance, isa ring two-time winner ng local Tour
“Handa na kami at ibibigay namin lahat para talunin ang mga foreigners,†ani Barnachea.
Kabuuang 15-teams, 13-foreign at 2 local squads ang maglalaban-laban sa karerang ito na suportado ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron, Victory Liner at M. Lhuillier na binubuo ng tig-5 riders.
Si PhilCycling chairman Alberto Lina, kinikilalang godfather ng Philippine cycling, ang magpapakawala ng mga riders sa karerang may akyatin sa Dinalupihan sa Bataan at sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority kasama ang kanyang asawang si Sylvia Lina, kasama si 2014 organizer at president ng presentor na Air21 na si Jerry Jara; Donna Lina Flavier, head ng co-organizer Ube Media; Clark Development Corp. chairman Atty. Arthur Tugade; at PhilCycling secretary General Atty. Billy Sumague.
- Latest