15 teams handang-handa na sa pagpadyak ng Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines - Mataas ang paniniwala ni Asian Cycling ConfeÂderation (ACC) president Cho Hee Wok ng Korea na magiging matagumpay uli ang isasagawang 5th Le Tour de Filipinas na magsisimula bukas sa Clark, Pampanga.
“The organizing committee in the Philippines, which is coming up to become one of the cycling powers in Asia, would be able, as in last year, to put up one of the memorable races of the Le Tour,†wika ni Wok.
Nasaksihan ni Wok na nasa ikatlong termino bilang ACC head, ang LTDF mula ng bigyan ng buhay ito ni PhilCycling chairman Bert Lina noong 2010 kaya’t hindi naging problema sa kanya ang pagbibigay ng basbas para sa 2014 edisyon.
May 15 koponan na biÂnubuo ng 13 dayuhan at dalawang local teams, ang magtatagisan sa apat na yugto ng karera na kung saan ang mananalo ang magkakaroon ng mahalagang UCI points dahil ang kompetisyon ay may basbas ng international cycling body na ngayon ay pinamumunuan ni Brian Cookson.
Ang bawat koponan ay bubuuin ng tig-limang siklista at lahat ng koponan ay nasa Clark na at pinaghahandaan ang panimulang yugto sa tagisang handog ng Air21 katuwang ang Ube Media.
Sina Alma Lumibao, Joel Golayan, Egay Lorenzo, Haggie Narag at Joel David ang mga nag-asikaso sa pagdating ng mga kopoÂnan.
May suporta pa ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron, Victory Liner at M. Lhuillier, ang Stage One bukas ay isang 160-kilometro karera mula Clark hanggang Olongapo City. Ang Stage Two ay tagisan mula Olongapo City hanggang Cabanatuan City habang unahan hanggang Bayombong, Nueva Vizcaya ang ikatlong stage.
Ang huling stage ay isang 134-kilometrong karera mula Bayombong hanggang Burnham Park, Baguio City.
- Latest