PSC naglaan ng P6M sa Blu Girls
MANILA, Philippines - Naglaan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P6 milyon pondo para sa paghahanda na gagawin ng Philippine Blu Girls sa Asian Games sa Korea.
Kasama sa paggagaÂmitan ng pondo ng Amateurn Softball Association of the Philippines (ASAPhil) ang pagsasanay sa Oklahoma, US mula Hunyo hanggang Hulyo at ang pagkuha ng Fil-Americans para palakasin ang tsansa ng koponan na makakuha ng medalya sa Asiad.
Ang softball ay isa sa tatlong team sports na nakaÂtiyak na ng puwesto sa Pambansang koponan dahil tumapos sila sa ikaapat na puwesto kasunod ng China, Japan at Chinese Taipei sa Asian Softball Championship noong nakaraang Disyembre.
Ang dalawang team sports na nakapasok na ay ang men’s basketball at rugby.
Dahil sa fourth place na pagtatapos sa Asian Championship kung kaÂya’t malaki ang laban ngaÂÂyon ng koponan para sa medalya lalo na kung tuluyang sasali ang mga Fil-Ams na nagpasabi na rin ng kahandaan na isuot ang uniporme ng Pambansang koponan sa pakikiÂpag-usap sa ASAPhil.
Hahawakan ni coach Ana Santiago, ang kopoÂnan ay magsisimula ng pagsasanay sa Mayo 1 at isasailalim ang mga national players sa speed test dahil mahalaga ito para manalo sa Asiad.
- Latest