^

PSN Palaro

Tinalo ang lebanon sa AMCC Power Pinoys sumampa sa 7TH

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang lahat ng pagsasanay at panahon na ibinigay sa PLDT TVolution Power Pinoys nang gulatin nila ang Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon at angkinin ang ikapitong puwesto sa pagtatapos kahapon ng Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT Home Fibr sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lumabas uli ang tapang ni Alnakran Abdilla at Cedric Legrand na gumawa ng 25 at 12 puntos, habang naipakita ni Jeffrey Malabanan ang tibay ng dibdib sa mahalagang yugto ng deciding set upang maisantabi ng Pilipinas ang pagkawala ng 2-0 abante sa 25-19,26-24, 13-25, 21-25, 15-13, panalo.

“I’m very proud of this team. The win is beyond expectation at nanalo kami dahil nag-function lahat, the mind, the heart and the body,” ani Power Pinoys coach Francis Vicente.

Hindi pinaglaro ng Le­banese team ang mahusay na si Bruno Furtado dahil may lagnat ito at kinaila­ngan nila ng dalawang sets para makapag-adjust.

Pero noong nakuha na ang porma ay buma­ngon ang Lebanese sa pamama­gitan nina Jhonlenn Baretto at Arthur Al Zayek upang maipanalo ang ikatlo at ikaapat na sets.

Umangat pa ang Lebanon sa 6-3 at 9-7 sa deci­ding set pero hindi nasiraan ng loob ang Power Pinoys at humugot ng lakas sa 3,500 na nanood sa laro.

Ang kill ni Legrand ang nagbigay ng 10-9 bentahe pero nagtabla ang dala­wang koponan dahil sa service error ng Aussie import.

Dito lumabas ang husay ni Malabanan na nagpakawala ng apat na sunod na puntos. Ang atake na nasundan ng service ace ay naglagay sa Pilipinas sa double matchpoint, 14-12.

Nabawi ng Lebanon ang isang puntos sa atake ni Adam Khoury pero hindi na pinahintulutan ni Abdilla na malagay sa alanganin ang laban nang pakawalan ang malakas na kill na hindi nakuha ni Khoury,

May 22 kills si Abdilla habang si Malabanan ay may 9 puntos. Ang Australian setter na si William Lewis ay may walong puntos at apat dito ay galing sa block na dinomina ng Pilipinas, 14-11.

Tumapos sa ikawalong puwesto ang Lebanon sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation at ito na ang pinakamataas nilang naabot matapos ang 12th place noong 2009 sa Dubai. (ATan)

ABDILLA

ADAM KHOURY

AL-ZAHRA AL-MINA

ALNAKRAN ABDILLA

ANG AUSTRALIAN

ARTHUR AL ZAYEK

ASIAN MEN

PILIPINAS

POWER PINOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with