Qatar pinabagsak ang Power Pinoys
MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, hindi kinaya ng bagitong PLDT TVolution Power Pinoys ang laro ng mas beÂteranong Al-Rayyan ng Qatar nang isuko ang 17-25, 14-25, 21-25, pagkatalo sa Asian Men’s Club Volleyball Championship quarterfinals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dinumog ng mga maÂnonood para suportahan ang laban ng home team pero tunay na milya pa ang agwat ng kalidad ng Power Pinoys sa Qatari team na nakapag-uwi na ng isang titulo, dalawang pilak at dalawang tansong medalya.
Hindi umubra ang depensa ng Power Pinoys sa matitinding atake ng Qatari sa pangunguna ng 32-anÂyos Italian import Cristian Savani na beterano rin ng 2004 Athens at 2012 London Olympics.
Tumapos si Savani na may pilak at bronze meÂdals na napanalunan sa dalawang Olympics na sinalihan taglay ang 19 puntos, tampok ang 17 kills.
Tatlo rito ay ginawa sa limang puntos na napaÂnalunan ng Al-Rayyan upang tabunan ang 12-13 iskor pabor sa Power Pinoys tungo sa 17-14 pagÂlayo.
“They are superior in height and skills but I told our players to keep on fighting. We may be weak but we will not go down without a fight,†pahayag ni Power Pinoys coach Francis Vicente patungkol sa magandang laban sa third set.
Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng Al-Rayyan sa ligang handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation (PFV).
Sunod nilang kalaban ngayong alas-4 ng hapon ang Kondensat-Zhaikmunay ng Kazakhstan na pinagpahinga rin ang South Gas Club Sports ng Iraq, 25-21, 25-16, 25-20.
Ang mananalo rito ay aabante sa Finals bukas.
Ang Pilipinas ay makaÂkaÂsukatan uli ng Iraq na magsisimula sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Balak ng Power Pinoys na maipaghiganti ang straight sets na pagkatalo sa pagkikita sa Group A elimination para magkaroon din ng pagkakataon na tumapos sa ikalimang puwesto.
Si Australian import Cedric Legrand ay mayroong siyam na puntos para pamunuan ang laban ng host team na nasali sa unang pagkakataon sa ligang may basbas ng Asian Volleyball Federation (AVF).
- Latest