^

PSN Palaro

Mommy Dionisia, Rhodes kumbinsidong mananalo si Manny

Joaquin M. Henson - Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Malaki ang pananalig ni Mommy Dionisia Dapidran na mananalo ang anak na si Manny Pacquiao sa kanilang tagisan ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa MGM Grand Arena bukas (Linggo sa Pi­lipinas).

“Kumpiyansa ako na mananalo si Manny” wika ni Mommy Dionisia. “ Alam ko na kahit wala si Jinkee kumpiyansa ang pamilya namin. Nandito ako para sumuporta kay Manny.”

Si Mommy Dionisia ay ikinokonsidera bilang lucky charm ni Pacquiao dahil nasa tabi siya ng anak noong nanalo sa malalaking laban kontra kina Ricky Hatton, Miguel Cotto at Antonio Margarito.

Ang maybahay na si Jinkee ay hindi nakasama at naiwan sa General Santos City at hinihintay ang panga­nganak ng kanilang ikalimang supling ni Pacquiao.

Kahit ang nakatuwang sa paghahanda na si Lydell Rhodes ay kumbinsido na magwawagi si Pacman.

“He had his rhythm and timing back. He could’ve dominated and even hurt us in sparring but he didn’t want to,” wika ni Rhodes na dalawang buwan na naka-sparring ni Pacquiao sa General Santos City.

Idinagdag pa ni Rhodes na mas bumilis ang footwork ni Pacquiao ngayon at ito ay magiging susi sa napipintong panalo nito.

“What I noticed in camp was his footwork which he really worked on. That’s one thing he really improved on, to create angles and step into Bradley’s path,” paliwanag pa nito.

Masidhi ang hangarin ni Pacquiao na manalo para maibaon sa limot ang kontrobersyal na split decision na pagkatalong tinanggap mula kay Bradley sa unang pagtutuos noong 2012.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BRADLEY

GENERAL SANTOS CITY

GRAND ARENA

JINKEE

LYDELL RHODES

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with