^

PSN Palaro

Pumaren bagong coach ng UE

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dating manlalaro na nakasama sa champion team at kinalaunan ay naging beteranong coach na nanalo rin ng titulo sa UAAP at PBA ang siyang kinuha para pangunahan ang kampanya ng UE Red Warriors sa 77th UAAP season.

Si Frederick “Derrick” Pumaren ang siyang iniluklok para maging kapalit ni David  Zamar na tinanggal ng pamunuan dahil hindi niya maibigay ang nais na lubusang oras para sa Red Warriors na siyang tatayong punong-abala sa papasok na season.

Naging kasapi ng UE champion team noong 1978, si Pumaren ay naging coach din ng La Salle mula 1986 hanggang 1991at napagkampeon niya ito sa kanyang huling dalawang taon.

Napunta siya sa PBA at nagkaroon ng dalawang titulo sa koponan ng Sunkist. Taong 2008 ang huling taon niya sa PBA sa koponan ng Talk N’ Text at mula rito ay pumayag na lamang na maging consultant ng UE.

Bukod sa oras na maibibigay sa Red Warriors, ang pagiging isang tunay na Red Warriors ang isa pang mabigat na dahilan para makuha niya ang puwesto.

Tinapik ni Pumaren ang kapatid na si Dindo, upang kanyang maging assistant sa hangaring disenteng kampanya sa papasok na season.

 

BUKOD

DINDO

ISANG

LA SALLE

NAPUNTA

PUMAREN

RED WARRIORS

SI FREDERICK

SUNKIST

TALK N

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with