Pinakaimportanteng laban
Aminin man o hindi ni Manny Pacquiao, ang laban niya kay Timothy Bradley ang maituturing na isa sa kanyang pinakamahalagang laban.
Sa pag-akyat ni Pacquiao sa ring at kung anuman ang magiging resulta ng laban ay siyang magde-deÂfine ng susunod na mga hakbang ni Pacquiao at ng kanÂyang kampo.
Kung manalo si Pacquiao, maaari pa siyang maÂÂngarap ng laban kay Floyd Mayweather at kung kanino pang mga boksingero. Kumbaga, puwede pa siya ng mga isa o dalawang taon.
Pero kung matatalo si Pacman, siguradong pagÂreÂretiro ang kokonsiderahin na ni Pacquaio dahil ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na hindi na siya maÂkaÂbabalik pa sa ring.
Sa mga nabasa natin sa mga lathalain sa America at sa ibang bansa, marami ang nagsasabi na wala nang “anghang†o kaagresibuhan si Pacquiao. Kumbaga wala ng “eye of the tiger†si Pacquiao.
Sinasabi ng marami, ito ay dahil sa sobrang dami ng commitments ni Pacquiao. Siya ay Congressman, pagÂkatapos ay artista pa, at may mga negosyo pa, kaya wala na siyang pokus.
Isa sa mga nakabalik ng pokus ni Pacquiao ay ang umano ay kawalan ng respeto ni Timothy Bradley.
Bilang isang Kristiyano ayaw ni Pacquiao na magsalita ng masama sa kanyang kapwa, pero natural lamang na magalit ito dahil sa mga masasama na mga salita na binabanggit ni Bradley sa tuwing ito ay iinterbyuhin ng media sa abroad.
Para kay Pacquiao, ito ay pang-iinsulto at kawalan ng respeto.
Katunayan, harapan na sinabi ni Bradley kay PacÂquiao sa isang media event na bahagi ng promosyon ng kanilang laban na “He (Pacquiao) does not have the eye of the tiger anymore,†at “he should consider retiring.â€
Para kay Pacquiao, masakit ito at kawalan ng resÂpeto sa isang kampeon na tulad niya.
Sana ay sapat ang “galit†na nararamdaman ni Pacquiao upang siya ay tunay na makabalik sa ring.
Kung hindi, siguradong sa harapan at mukha ni Pacquiao ay maaaring banggitin na ni Bradley na magretiro na nga siya.
- Latest