^

PSN Palaro

Utos ni Buboy kay Pacquiao vs Bradley: No mercy!

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES--May dalawang salita lamang na sasabihin si Buboy Fernandez para kay Manny Pacquiao sa pag-akyat nito sa boxing ring kontra kay Timothy Bradley sa Las Vegas.

“Wala munang awa-awa,” sabi ni Fernandez.

Walang ibang mas nakakakilala kay Pacquiao kundi si Fernandez, ang ka­babata ni ‘Pacman’ at kasalukuyang assistant trainer sa kanyang grupo.

Ilang dekada na silang magkakilala. Magkasama sila sa hirap at ginhawa.

Nang bumagsak si Pac­quiao kay Juan Manuel Marquez, ang unang tao na hinanap ni Pacquiao matapos magbalik ang kanyang ulirat ay si Fernandez.

“Buboy, nasan ka?” pag-alala ni Fernandez sa sinabi ni Pacquiao sa gitna ng kaguluhan sa ibabaw ng ring.

Si Fernandez ang te­nga ni Pacquiao. Kapag nagsalita siya, nakikinig si Pacquiao.

 â€œSinasabi ko sa kanya  na kailangan natin manalo rito. Hindi natin kailangan ng awa rito,” ani Fernandez.

Magkatulad ng pana­naw sina Fernandez at chief trainer Freddie Roach sa pagsasabing nagpakita ng awa si Pacquiao sa kan­yang mga nakaraang kalaban, kasama rito si Bradley.

Sinabi ni Fernandez na muli niyang pinanood ang laban ni Bradley noong Hunyo 2012 at nalaman na naging mabait si Pacquiao sa loob ng ring at minsan ay nawalan ng kumpiyansa.

At maski na tila sampal ang mga suntok ni Bradley ay siya pa rin ang pinanigan ng dalawang judges.

“Alam ng mundo kung sino ang nanalo pero may mga pagkukulang tayo,” wika ni Fernandez.

 

vuukle comment

BRADLEY

BUBOY FERNANDEZ

FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

SI FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with