Garcia guest sa AMCC opening
MANILA, Philippines - Inimbitahan si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia upang siyang maÂging panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagbubukas ng PLDT Home Fibr Asian Men’s Club ChamÂpionship sa Martes sa Mall of Asia Arena.
May 16 koponan ang magtatagisan sa palarong gagawin mula Abril 8 hanggang 16. Bukod sa MOA, ang aksyon ay gagawin din sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Si Garcia ay isa sa mga sumusuporta sa pagbaÂngon ng Philippine volleyball matapos maayos ang problema sa liderato ng Philippine Volleyball Federation.
Nakaupo bilang pangulo si Karl Chan habang si Rustico “Otie†Camangian ang sec/gen at para maipakita na maayos na ang relasyon ng NSA at PSC ay binigyan na ng go-signal ng KomisÂyon ang pagkakaroon ng national pool sa men’s at women’s ang PVF.
Suportado ang kompetisyon ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.
Si Francis Vicente ang siyang coach ng Pambansang koponan na suportado ng PLDT Home TVolution at makikilala bilang Power Pinoys.
Sina Australian players Cedric Legrand at William Robert Lewis ang tutulong sa team na kinabibilangan din nina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malaba-nan, Alnakran Abdilla at actor Richard Gomez.
Nagsanay sa Korea ang koponan para maihanda ang sarili sa mabigat na laban sa Group A na kinabibilanganan din ng Iraq at Mongolia.
Ang opening ceremony ay itinakda sa ganap na alas-12 ng tanghali at matapos ang dalawang oras na seremonya ay sasalang sa aksyon ang Pilipinas kontra Mongolia.
Ang lahat ng laro ng Pilipinas ay maipapalabas ng live sa TV5 na siyang official broadcaster ng liga.
- Latest