^

PSN Palaro

NSAC tinapyasan ang local judge sa Pacquiao-Bradley rematch

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinantabi ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang nakagawian kung pagpili ng mga hurado sa isang laban ang pag-uusapan para sa rematch nina WBO welterweight champion Timothy Bradley at Manny Pacquiao.

Inalis ng NSAC ang pa­lagiang pagbibigay ng dalawang puwesto sa local judge ng Las Vegas kapag ang laban ay gagawin sa naturang lugar upang matiyak na hindi mauuwi sa kon­trobersya ang rematch.

Sa Abril 12 sa MGM Grand Arena gagawin ang tagisan at hanap ni Pacquiao na mabawi ang titulong naisuko kay Bradley matapos ang kontrobersyal na split decision na pagka­talo noong 2012.

Si Glenn Trowbridge la­mang ang manggaga­ling mula Nevada at sasamahan niya sina Michael Pernick ng Florida at John Keane ng Great Britain para puntusan ang laban.

Hindi naman mga first timers ang tatlong hurado na ito na pupuntos sa la­ban ni Pacquiao pero pi­­naniniwalaan na mas ma­giging makatotohanan ang kanilang ipalalabas na desisyon kung dumaan sa scorecards ang bakbakan.

Ang beteranong si Ken­ny Bayless naman ang kinuha para maging re­fe­ree.

May limang laban na ni Pacquiao ang hinawakan ni Bayless at kasama rito ang di inaasahang sixth round knockout pagkatalo nito kay Juan Manuel Marquez noong 2012.

Wala pa ring kontrobersya ang pinasok ni Bayless sa mga laban ni Pacquiao at ganito pa rin ang inaasahang makikita sa beteranong referee sa nasabing tagisan.

Masinsinan ang na­ging pagsasanay ng dalawang boxers na kapwa ha­nap ang makapagtala ng kumbinsidong panalo.

Dahil dito, nakikita ng marami na mauuwi sa knock­out ang laban at mismong si Pacman ang nagsabi na sisikapin niyang gawin ito para patunayan na mali si Bradley sa kanyang tinuran na wala na ang kanyang killer instinct.

Sa Lunes ay inaasa­hang tutulak na ang Team Pacquiao patungong Las Vegas upang  paghandaan ang press conference at ang aktuwal na bakbakan sa Abril 12. (ATan)

vuukle comment

BAYLESS

BRADLEY

GRAND ARENA

GREAT BRITAIN

JOHN KEANE

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with