Bagong import ng Bolts, Kings magkakasukatan
MANILA, Philippines - Kapwa ipaparada ng Barangay Ginebra at ng Meralco ang kani-kanilang mga bagong import para sagipin ang kanilang kampanya sa 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Itatampok ng Gin Kings si Josh Powell, habang itatapat ng Bolts si Darnell Jackson sa kanilang banggaan ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang Alaska Aces at Barako Bull Energy Cola sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Ang 6-foot-9 NBA veteÂran na si Powell, pinalitan si Leon Rodgers, ay naging miyembro ng L.A. Lakers squad na nagkampeon ng dalawang sunod sa NBA noong 2009 at 2010.
Kumampanya rin si PoÂÂwell sa kopoÂnan ng Dallas, Indiana, Golden State, LA Clippers at Atlanta bago naglaro sa NBA D-League, Russia, Italy, Greece, Puerto Rico at China.
Sa Chinese League ay nagposte ang 33-anyos na si Powell ng mga averages na 15 points, 9.9 boards at 1.6 assists per game para sa Guangdong Southern Tigers.
Kasalukuyang nasa two-game losing skid ang Gin Kings.
Pinalitan naman ng 6’9 na si Jackson si 6’10 Brian Butch sa panig ng Bolts.
Ang 28-anyos na si Jackson ay nagmula sa pagÂlalaro para sa Shanghai Sharks sa Chinese League at nakita sa NBA para sa Cleveland, Milwaukee at Sacramento.
Sa unang laro, target ng Alaska na makamit ang kanilang ikatlong sunod na arangkada sa pagsagupa sa Barako Bull na nagmula sa panalo.(RCadayona)
- Latest