^

PSN Palaro

Shakey’s V-league season 11 Lady Cobras reresbak sa Blazers

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkaroon ng magarang panimula sa pagbabalik sa Shakey’s V-League ang nais ng St. Benilde sa pagharap nito sa CESAFI champion Southwestern University ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Noon pang 2010 huling naglaro ang Lady Blazers bago nagpahinga kaya’t tiyak na nais nilang ipakita na isa pa rin sila sa mala­lakas na collegiate teams at palaban sa titulo sa Season 11 First Conference na inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magaganap ang tagisan at matapos nito ay mag-uunahan sa pagdagit sa kanilang unang panalo ang NCAA champion Perpetual Help at multi-titled San Sebastian sa alas-4.

Parehong talunan ang Lady Altas at Lady Stags sa kanilang unang laro ka­hit magpupursigi ang da­la­wang koponang ito para hindi malagay sa huling pu­westo sa Groupo B sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Akari.

Mahalaga ang bawat panalong makukuha ng mga kasaling koponan dahil ang dalawang teams na mangungulelat sa anim na nagtatagisan sa dalawang grupo ay magpapahinga agad.

Wala pang katiyakan kung makakasama ng Lady Stags ang power hitter na si Gretchell Soltones sa larong ito matapos ma­tapilok sa naisukong laro laban sa FEU.

Ngunit matibay pa rin ang puwersa ng San Sebastian dahil sa mga guest players na sina Maruja Ba­naticla at Ryzabelle Devanadera.

Ang mga beteranang sina Honey Royse Tubino at Norie Jane Diaz ang magdadala sa Lady Altas na dumapa sa straight sets sa kamay ng nagdedepensang kampeon National University.

Babalikatin ang Lady Bla­zers nina Theresa Vero­nas, Janine Navarro, Rossan Fajardo at Lumi Yongco para tapatan ang Lady Cobras na nais na makabangon at mapaganda ang kasalu­ku­yang 1-1 baraha sa Group A.

vuukle comment

FIRST CONFERENCE

GRETCHELL SOLTONES

GROUP A

GROUPO B

HONEY ROYSE TUBINO

LADY ALTAS

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with