^

PSN Palaro

Paghahanda sa AFC Challenge Cup Azkals susukatan ang Nepal at Qatar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang nasyon at isang banyagang koponan ang lalabanan ng Philippine  Azkals sa susunod na buwan bilang pagha­handa sa kanilang pagsabak sa Asian Football Confe­de­ration (AFC) Challenge Cup sa Maldives sa Mayo 19-30.

Sa pahayag ng Philippine Football Federation (PFF), haharapin ng mga Pinoy booters ang Nepal sa Abril 11 at ang Qatari club Al Ahli SC sa Abril 14 sa kanilang pagtungo sa Doha para sa kanilang ikalawang overseas training camp sa ilalim ni coach Thomas Dooley.

Matapos ang dalawang linggo ay makakatagpo naman ng Azkals ang Ma­­laysia sa Cebu Sports Complex sa Abril 27.

Ito ang ikaapat na pagkakataon sa loob ng apat na taon na magsasagupa ang Pinoy booters at ang Malayan Tigers.

Noong 2012 ay nag­laban ang dalawang koponan sa home and away friendlies na parehong nagtapos sa 1-1 at  0-0.

Sa kabuuan, dinomina ng Malaysia ang Phl, 11 versus 1.

Sinabi ni Azkals team manager Dan Palami na ginagawa nila ang lahat para mapalakas ang Phl XI sa hangarin nilang pagsikwat sa Challenge Cup title at ang tiket sa AFC Asian Cup sa 2015 sa Australia.

“We’re leaving no stones unturned to realize every Azkals fans’ dream of playing in the AFC Asian Cup. Let’s go for this!” sabi ni Palami.

Posibleng makatapat ng Azkals (No. 130 sa FIFA world rankings) ang Japan (48th), Jordan (69th) at Iraq (103rd) sa Asian Cup kung makukumpleto nila ang kanilang misyon.

Ang mananalo sa 2014 Challenge Cup ang makakasama sa five-time World Cuppers at four-time Asian Cup titlists na Japanese, ang 2004 Asian Cup quarterfinalist na Jordanians at ang 2007 Asian champions na Iraqis.

 Sa Maldives Challenge Cup ay kasama ng Azkals sa Group B ang Turkmenis­tan, Afghanistan at ang Laos.(Olmin Leyba)

vuukle comment

ABRIL

AL AHLI

ASIAN

ASIAN CUP

ASIAN FOOTBALL CONFE

AZKALS

CEBU SPORTS COMPLEX

CHALLENGE CUP

CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with