Sy, Hamero dedesisyunan paglabas ng sariling imbestigasyon ng PATAFA
MANILA, Philippines - Hihintayin muna ng PAÂTAFA ang sariling imÂbestigasyon sa mga kontroÂbersyal na coaÂches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero bago ipaalam ang kanilang susunod na hakbang.
Sina Sy at Hamero ay tinanggalan na ng buwanang sahod na nagkakahalaga ng P20,000.00 galing sa PSC matapos lumabas sa hiwalay na imbestigasyon ng binuong 3-man panel ng PSC na tunay na nagÂpabaya ang dalawa sa kanilang traÂbaho.
Ang panel ay binuo nina POC chairman Tom CarÂrasco Jr., PSC legal head Atty. Yen Chan at national coach sa badminton Allan De Leon.
“The PATAFA respects the decision but only for now. We defer reacting pending the results of our own committee investigation, which we intend to conduct more carefully,†pahayag ni PATAFA president Go Teng Kok sa isang text message.
Huling tagumpay ng track and field team ay naitala sa Myanmar SEA Games nang manalo sila ng anim na ginto na siyang pinakamarami sa hanay ng mga sumaling NSAs. (AT)
- Latest