^

PSN Palaro

Beermen wagi sa Batang Pier win No. 4 pakay n G Mixers vs Energy Cola

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinikwat ng San Miguel Beer ang kanilang pang-limang panalo makaraang patumbahin ang Globalport, 109-92, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pumukol si Arwind San­tos ng 18 points at 10 rebounds para sa Beermen na pinatatag ang kapit sa solo ikatlong puwesto.

Mula sa 19-8 abante sa first period ay lumayo ang Beermen sa 74-64 sa third period patungo sa pagtatayo ng 16-point lead, kontra sa Batang Pier sa 10:29 ng final canto mula sa undergoal stab ni Doug Kramer.

Mula dito ay hindi na nilingon pa ng San Miguel Beer ang Globalport, natikman ang kanilang pang-anim na sunod na kabiguan.

Samantala, tatargetin ng Mixers ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para pa­tuloy na solohin ang pa­­nga­la­wang puwesto.

Hindi pa natatalo sa kanilang tatlong laro, sasagupain ng San Mig Coffee ang Barako Bull ngayong alas-8 ng gabi.

Ang tatlong unang koponang tinalo ng Mixers, nagkampeon sa nakaraang PBA  Philippine Cup, ay ang Rain or Shine Elasto Painters, 91-74, Ginebra Gin Kings, 90-80, at ang wala pang panalong Globalport Batang Pier. 91-75.

Muling aasahan ng Mi­xers ni coach Tim Cone sina import James Mays, two-time PBA Most Valua­ble Player James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Mark Barroca at Joe Devance.

Ayon kay Cone, kaila­ngang maiwasan ni Mays ang maagang pagkakalagay sa foul trouble kagaya ng nangyari sa kanilang laro laban sa Rain or Shine.

“The only danger we had all game was Big James in foul trouble,” ani Cone. “He’ll realize how important it is to stay on the floor and figure out his spots in playing aggressive and picking up fouls. He’s dominant out there because of his activity level. We don’t have to tell him to go make a move, he just does something and makes us tougher.”

Kasalukuyan namang nasa isang three-game losing slump ang Energy Cola, ang huli ay nang yumukod sila sa San Miguel Beermen, 100-106, noong Marso 22.

Samantala, dalawang referees ang pinatawan ng suspensyon ng PBA Commissioner’s Office matapos mabigong tumawag ng foul sa fourth quarter sa laro ng San Miguel Beer at Barako Bull noong Sabado.

Ang mga ito ay sina re­feree Jun Marabe at Rommel Gruta.

ARWIND SAN

BARAKO BULL

BATANG PIER

BEERMEN

BIG JAMES

DOUG KRAMER

ENERGY COLA

SAN MIGUEL BEER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with