^

PSN Palaro

Shakey’s V-league season 11 Provincial teams magpapasiklaban

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang  mga provincial  teams na St. Louis University at Southwestern University sa paglista ng unang panalo sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence sa The Arena san San Juan City.

Ang mananalo sa laba­nang magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon ay makakasalo ng UAAP champion Ateneo sa lide­rato sa Group A.

Tinalo ng Lady Eagles ang Adamson sa apat na sets sa pagbubukas ng liga noong Linggo.

Nasabayan pa ito ng pa­ngingibabaw ng nagde­depensang kampeon National University sa NCAA champion Perpetual Help sa straight sets para pamunuan ang Group B.

Ang San Sebastian at FEU ay magkikita dakong alas-4 at ang mananalo ang makakapantay sa Lady Bulldogs.

Ang Davao Lady Agilas ang ikatlong provincial team na kasali para magkaroon ng record na 12 teams ang ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s.

Kampeon ng Ba­guio-Benguet Educational Athlet­ic League, ang Lady Navigators ay aasa sa da­ting BBEAL MVP na si Joan Lunday, katulong sina Colleen Rossi, Florence May Madulid, Roxanne Almonte at Maureen Agudia para magkaroon ng magandang panimula sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Akari.

Hindi naman basta-basta padadaig ang Lady Cobras at sina team captain Neresa Villanueva, Janelle Cabahug, Therese Rae Ramas, Frances Ka­ren Derder at Lutgarda Ma­laluan ang mga magtutulong para ipanalo ang CESAFI champion.

 

vuukle comment

ANG DAVAO LADY AGILAS

ANG SAN SEBASTIAN

BENGUET EDUCATIONAL ATHLET

COLLEEN ROSSI

FIRST CONFE

FLORENCE MAY MADULID

FRANCES KA

GROUP A

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with