^

PSN Palaro

Pangako sa ’yo

PRESS ROW - Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

Kulang na lang ay itaga sa bato ang panalo ni Manny Pacquiao sa kanyang nalalapit na rematch kay Timothy Bradley sa Las Vegas.

Sa April 12 gaganapin ang laban sa MGM Grand. Sabado ng gabi sa America ang laban pero April 13 at Linggo naman ng tanghali rito sa atin sa Pilipinas.

Tatlong linggo pa bago ang laban at ang pinakama­tunog na salita mula sa kampo ni Pacquiao ay ang mga binitawan ni Buboy Fernandez.

Si Buboy ang malapit na kaibigan at trainer ni Pacquiao. Malayo at mahaba na ang kanilang pinag­samahan. Sa hirap at ginhawa ay magkasama sila. Kumain sa isang plato.

Sa isang panayam sa telebisyon, ipinangako ni Buboy na ang dating Manny Pacquiao ang makikita natin sa darating na laban.

Hindi na ito ang Pacquiao na mukhang ayaw na manakit na kalaban sa loob ng ring, na parang nagdadalawang isip na patumbahin ang kalaban.

Makikita raw natin ang Pacquiao na bumasag sa ma­gandang mukha ni Oscar dela Hoya, ang Pacquiao na nagpatumba kay Miguel Cotto at ang Pacquiao na bumugbog sa napakalaking si Antonio Margarito.

Masarap pakinggan ang mga salita ni Buboy.

Sa kanilang training camp, kumbinsidung-kumbinsido si Buboy na nakikita niya ang dating Pacquiao, ang dating bilis, ang dating lakas, ang dating gutom.

Maging si Pacquiao ay nagsabing ginagawa niya ang lahat sa training para maibalik ang dati niyang style na super agresibo at handang tapusin ang laban sa anumang pagkakataon.

Sana nga ay magdilang anghel si Buboy.

 Miss na miss ko na ang dating Manny Pacquiao.

 

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BUBOY

BUBOY FERNANDEZ

LAS VEGAS

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SA APRIL

SI BUBOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with