^

PSN Palaro

Heat isinalba ni Allen; Spurs ayaw paawat dumiretso sa 12

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Ipinagpatuloy ni Ray Allen ang kanyang mahusay na outside shooting at tinulungan ang Heat na maiwasan ang isa na namang kabiguan sa kanilang balwarte.

Umiskor si Allen ng 18 points para igiya ang Heat sa 91-86 panalo laban sa Memphis Grizzles.

Naglilista si Allen ng average na 18 points per game sa huling limang laro ng Miami’.

“t’s really just team orien­ted,’’ sabi ni Allen.

Bumalikwas ang Mia­mi mula sa 77-84 pagkakaiwan sa 4:08 at umiskor ng 11-0 ratsada.

Ang tres ni Allen ang nagpasimula ng pagba­ngon ng Heat sa huling 3:27 minuto.

Tumipa si Dwyane Wade ng isang jumper at nagsalpak ng dalawang free throws sa nalalabing 1:04 minuto na tuluyan nang nagbigay ng kalamangan sa Heat.

Matapos imintis ni Mike Miller ang kanyang 3-point attempt sa huling 51 segundo para sa Grizzlies ay tumipa si LeBron James ng jumper sa huling 24 segundo para sa 88-84 abante ng Heat.

Sa Sacramento, isinalpak ni Marco Belinelli ang 13 mula sa kanyang 17 puntos sa final quarter, nagdagdag si Kawhi Leo­nard ng 15 puntos at pitong rebounds at kinuha ng NBA-leading San Antonio ang 99-79 panalo sa Kings at  dumiretso ang Spurs sa ika-12 sunod na ratsada.

 Nagdagdag si Manu Ginobili ng 14 puntos at 11 kay Tiago Splitter bukod pa ang 11 rebounds para sa Spurs (52-16) na nananatiling angat ng 1 1/2 games sa Oklahoma City at Indiana para sa league’s best record.

 

DWYANE WADE

KAWHI LEO

MANU GINOBILI

MARCO BELINELLI

MEMPHIS GRIZZLES

MIKE MILLER

OKLAHOMA CITY

RAY ALLEN

SA SACRAMENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with