^

PSN Palaro

Paeng kauna-unahang Pinoy na gagawaran ng USBC Gold

Pang-masa

ARLINGTON, Texas--Tatanggapin ni Paeng Ne­po­muceno ang Gold level coaching certification at award sa gaganaping World Coaching conference sa United States Bowling Congress (USBC) general headquarters.

 Si Nepomuceno ang kauna-una­hang gagawaran ng nasabing parangal sa Asia. Ang USBC Gold ang pinakamataas na cer­tifica­tion para sa coaches at isa lamang siya sa 25 aktibong coaches na may ga­nitong designasyon.

“Paeng is one of the most respected competitors in the history of bowling and he continues to give back to the sport through coaching,” wika ni Neil Stremmel na USBC Managing Director. “He is committed to teaching coaches throughout the world and we’re pleased to have him join the elite rank of USBC Gold coaches.”

Ang 57-anyos na si Nepomuceno na isa ring USBC International Ambassador for Bowling, ay kabilang ng USBC sa mahigit na pitong taon para mapalawig ang bowling at coaches. Nagsagawa na siya ng Level I, Bronze at Silver seminars sa iba’t-ibang bansa.

 Bago naging coach, ang 6’2 kaliweteng bowler ay naging tanyag sa mundo dahil siya ang kauna-unahang bowler na nanalo ng World Cup sa apat na magkaka­ibang taon (1976, 1980, 1992 at 1996).

Napagwagian na rin niya ang World Invitational Tournament (1984) at World Tenpin Masters (1999).

Dahil sa kanyang mga napanalunan, itinalaga si Nepomuceno ng Bowlers Journal International bilang Greatest International Bowler of All Time sa Setyembre, 2003 issue.

BOWLERS JOURNAL INTERNATIONAL

GREATEST INTERNATIONAL BOWLER OF ALL TIME

INTERNATIONAL AMBASSADOR

LEVEL I

MANAGING DIRECTOR

NEIL STREMMEL

NEPOMUCENO

PAENG NE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with