Top Seed Netters pasok sa semis Huling alas ng Pinas laglag na
MANILA, Philippines - Nananatiling nakatuon ang mga top seeds na sina Harry Bourchier ng Australia at Katie Boulter ng Great BriÂtain sa titulo sa 25th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships boys at girls singles nang nanalo sa quarterfinals kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Naibalik ng 28th ranked netter na si Bourchier ang husay ng paglalaro sa third set para maitakas ang 6-1, 2-6, 6-1, panalo kay seÂventh seed Oh Chan Yeong ng Korea.
Makakalaban ni Bourchier sa semifinals si fourth seed Kang Ku Keon ng Korea na pinagpahinga si Ly Nam Hoang ng Vietnam, 6-3, 6-3.
Ang kabilang semifinals ay paglalabanan nina eight seed Bogdan Bobrov ng Russia at unseeded Rhett Purcell ng Great Britain.
Sinibak ni Bobrov ang third seed na si Petar Conkic ng Serbia, 6-3, 6-3, para kalabanin si Purcell na nangibabaw sa isa ring unseeded na si Mandresy Rakotomalala ng France, 3-6, 7-5, 7-6 (4).
Bumangon si Boulter mula sa pagkatalo sa first set bago pinagpahinga si ninth seed Ye Qiu Yu ng China, 2-6, 6-4, 7-5.
Kalaban niya sa semis si Kimberly Birrell ng Australia na nanaig kay fifth seed Katrine Isabel Steffensen ng USA, 6-3, 6-1.
Ang mananalo sa nasabing tagisan ang makakaÂtapat ng magwawagi kina Raveena Kingsley ng USA at Gloria Liang ng Canada sa Finals sa Linggo.
Nakapasok si Kingsley sa semis gamit ang 6-4, 6-4, panalo kay Tami Grende ng Indonesia habang si Liang ay umukit ng 3-6, 6-1, 6-1, panalo kay Wushuang Zheng ng China.
Samantala, opisyal na natapos ang laban ng PiliÂpinas kahapon nang yumukod si Maia Bernadette Balce sa girls doubles.
Nakatambal si Jaipet Anontaweesil ng Thailand, hindi sila nakaporma sa fourth seed na sina Grende at Steffensen sa 1-6, 1-6, iskor upang mamaalam na ang lahat ng mga isinali ng Pilipinas sa Grade 1 ITF tournament na inorganisa ng Philta. (ATan)
- Latest
- Trending