^

PSN Palaro

133 Atleta pasok sa ASIAD pool

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 133 ang manlalarong puwedeng makasama sa Pambansang delegasyon na la­laro sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ang mga larong athle­tics (10), taekwondo (12) at bowling (12) ang binigyan ng mahigit na 10 manla­laro sa delegasyon upang masama sa hanay na may malaking bilang sa national pool.

Nangunguna sa may malaking bilang ang mga team sports na softball (18), basketball (12) at rugby (15) na tiyak na ring sasama sa Incheon dahil naabot na nila ang criteria na top five sa Asian level tournaments.

“So far, we have 133 tentative athletes na we feel might make it to the Asian Games. Dumami ito dahil sa tatlong team sports na basketball, softball and rugby,” pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Ang mga BMX riders na sina Fil-Ams Daniel at Chris Caluag ay pasok na rin dahil sa magandang ranking sa Asia sa event na ito sa cycling habang ang triathlon (4) at weightlifting (3) ay binigyan na rin ng slot dahil umabot sa  criteria.

Nilinaw pa ni Garcia na ang ibang NSAs na nagbigay ng atleta ay hindi pa tiyak na makakasama dahil ang mga ito ay isasalang pa sa ibang kompetisyon para makita kung aabot sa criteria.

Binanggit pa ni Garcia na hiningian na ng Asian Games Task Force ang mga sasali sa kompetisyon ng kanilang programa para masilip kung kukulangin o sosobra ang inilaang P50 milyon ng PSC para sa kanilang pagsasanay.

“Boxing, more or less, in place na ang kanilang prog­rama. Basketball, softball, rugby taekwondo, triathlon and judo may programa na rin. We are trying to put in all the figures because we need to total all these things para makita kung saan kami puwedeng magbawas o magdagdag para magkasya ang P50 milyon pondo,” ani pa ni Garcia.

Naunang sinabi ni Garcia na siya ring Chief of Mission sa Incheon, na hindi lalampas sa 200 ang bilang ng manlalarong ipadadala na magbabalak na higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na naiuwi mula sa 2010 Guangzhou Asian Games.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

CHIEF OF MISSION

CHRIS CALUAG

FIL-AMS DANIEL

GARCIA

GUANGZHOU ASIAN GAMES

INCHEON

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with