^

PSN Palaro

25th Mitsubishi International Junior Tennis Championships Cruz pinatalsik ng Aussie netter

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natalo ang 13-anyos na si Monica Therese Cruz kay 13th seed Maddison Inglis ng Australia, 6-2, 6-1, para mabawasan pa ang mga nakatayong Filipina netters sa pagpapatuloy ng 25th Mitsubishi International Junior Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nakaabante sa second round si Cruz matapos ang bye sa first round ngunit hindi nakatulong ang dagdag pahinga sa batang netter sa mas mahusay na si Inglis.

Bunga nito ay naiwan na lamang kina Maia Bernadette Balce at Christyn Colleen Sioson ang karapatan upang balikatin ang laban ng host country sa Grade I tournament at may basbas ng International Tennis Fede­ration (ITF).

Sa kababaihan na la­­mang may panlaban sa singles ang Pilipinas matapos maubos ang siyam na entrada sa kalalakihan sa pagbubukas ng kompetis­yon noong Martes.

Kasama sa nalaglag ang 14-anyos na si Alberto Lim Jr. na yumukod sa lucky loser na si Jack Wong ng Hong Kong, 3-6, 2-6.

Tunay na mataas ang lebel ng kompetisyon sa taong ito dahil nalagas din ang limang seeded players sa boys division.

Nanguna sa nasilat ay ang second seed na si Ken Onishi ng Japan sa kamay ni Mandresy Rakotomala ng France, 4-6, 1-6.

Ang iba pang see­ded players na natalo ay sina 11th seed Alexander Klintcharov ng New Zealand na bumigay kay  Rhet Purcell ng Great Bri­tain, 0-6, 2-6; 12th seed Lin Wei De na yumukod  kay Shar­mal Dissanyake ng Sri Lanka, 4-6, 1-6; at  13th seed Daniel Nolan ng Australia na nabigo naman kay Jack Van Slyke ng Canada, 6-4, 5-7, 5-7. (AT)

vuukle comment

ALBERTO LIM JR.

ALEXANDER KLINTCHAROV

CHRISTYN COLLEEN SIOSON

DANIEL NOLAN

GRADE I

GREAT BRI

HONG KONG

INTERNATIONAL TENNIS FEDE

JACK VAN SLYKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with