^

PSN Palaro

Lahat ng teams balanse - Martelino

Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang koponan ang maaaring magdomina sa dara­ting na First Conference ng Seson 11 ng Shakey’s V-League.

Kasama na rito ang Ateneo Lady Eagles na nag­rey­na sa katatapos lang na season ng UAAP women’s vol­leyball tournament.

Ito ang inihayag kahapon ng mga opisyal ng commercial volleyball league sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

“It’s anybody’s game. Actually hindi masasabing may favorite ngayon,” wika ni Moying Martelino, ang chairman ng nag-oorganisang Sports Vision, kasama si Shakey’s EVP at COO Vic Gregorio.

Sa format, ang bawat koponan ay maaaring kumuha ng dalawang guest players, kasama na rito ang isang foreign participant, para mabalanse ang kompetisyon sa torneong pinag-reynahan ng National University Lady Bulldogs.

Ang Adamson ang koponang magpaparada ng isang foreign guest player sa katauhan ni Pacharee Sangmuang ng Thailand.

Kabilang ang Adamson sa Group A kasama ang Arellano, College of St. Benilde, Southwestern University, St. Louis University at Ateneo, habang nasa Group B ang many-time champion University of Santo Tomas, San Sebastian, Davao Lady Agilas, Far Eastern University, National University, at University of Perpetual Help.

Kaagad na makakatagpo ng Lady Eagles ni Thai coach Tai Bundit ang Lady Falcons sa alas-2 ng hapon sa pagbubukas ng torneo sa Linggo sa The Arena sa San Juan. Lalabanan naman ng Lady Bulldogs ang nagdedepensang NCAA champion University of Perpetual Help sa alas-4.

ANG ADAMSON

ATENEO LADY EAGLES

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAVAO LADY AGILAS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIRST CONFERENCE

SHAKEY

UNIVERSITY

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with