MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang pagdadala ng Air21 kina Ronnie Matias at Carlo Sharma sa Globalport kapalit ni 6-foot-6 veteran center Rico Villanueva.
Tinaguriang “The RaÂging Bullâ€, maglalaro ang 33-anyos na si Villanueva para sa kanyang pang-pitong koponan sa PBA matapos hirangin bilang seventh overall pick noong 2003 Draft.
“I’ve been eyeing him since the last conference. After Asi, we don’t really have a solid big guy, somebody who can adapt to the physicality in the PBA,†sabi ni Express coach Franz Pumaren kay Villanueva.
Napanood lamang ang dating Blue Eagles sa isang laro para sa Batang Pier sa nakaraang 2014 Philippine Cup kung saan siya nagtala ng 1 rebound sa loob ng dalawang minuto.
Samantala, pupuntirÂyahin ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo, habang magpipilit namang makabangon ang San miguell Beer mula sa una nilang kabiguan.
Magtatagpo ang Beermen at ang Elasto Painters ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Hawak ng Talk 'N Text ang liderato mula sa kanilang 4-0 record kasunod ang San Mig Coffee (2-0), San Miguel Beer (2-1), Meralco (2-1), Air21 (2-2), , Rain or Shine (1-1), Barangay Ginebra (1-2), Barako Bull (1-2),Alaska (2-3) at Globalport (0-4).
Kaugnay nito, ibinigay ng PBA sa Mall of Asia Arena ang pangangasiwa sa 2014 PBA All-Star Weekend sa Abril 3-6.
Itatampok sa PBA All-Star Weekend ang mga napiling players na ibinoto ng mga fans at sasabak sa ilang events kagaya ng three-point shootout, skills competition at All-Star Game na magpapakita sa banggaan ng PBA All-Stars at Gilas Pilipinas.