Farenas puntirya ang titulo vs Velazquez
MANILA, Philippines - Masusukat uli kung hanÂda na nga ba si Michael FaÂrenas na humarap sa malaÂlaking laban sa pagpunÂtirya niya sa baÂkanteng WBC Asian Boxing Council super feaÂtherweight title laban kay Hector Velazquez ng Mexico sa Biyernes sa The Arena sa San Juan City.
Mataas ang kumpiyansa ni Farenas sa kakayahan na talunin si Velasquez na noong 2005 ay hinarap si Manny Pacquiao at lumaÂsap ng sixth round TKO pagkatalo.
May 37-4-4 baraha, kaÂÂsama ang 29 KOs, si Farenas ay galing sa tatlong panalo noong 2013 at nangailangan lamang siya ng kabuuang limang rounds para manalo kina Gerardo Zayas, Kosol Sor Vorapin at Jesus Rios.
Ang 39-anyos na si Velazquez na may 56 panalo sa 80 laban at may 38 KOs ay nasa bansa na noon pang Marso 14 at papasok siya sa bakbakan mula sa unanimous decision panalo kay Oscar Arenas noong Enero 5.
Ito ang unang pa-boÂxing ng MAG Pacman Boxing Promotions at ito ay suportado ng CherrylumE, DIY (Do It Yourself) Hardware at Harrix Wires at Cables.
Mapapanood ito sa GMA 7 sa Marso 22 pagkatapos ng Eat Bulaga.
Undercard sa laban si Dave Peñalosa na baÂbangÂgain si Alem Robles ng MeÂxico. Si Robles ang siyang nakatapat ni Dodie Boy Peñalosa Jr. noong DisyemÂbre 13.
- Latest
- Trending