^

PSN Palaro

Paglalakbay

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Dalawampu’t walong taon.

Ito ang edad ng Pilipino Star NGAYON. Dalawampung taon na siyang naglalakbay. At dahil sa Women’s month pa ngayon, ihahalintulad ko ang PSNGAYON sa isang babae.

Kung ang edad ng Pilipino Star NGAYON ay sa isang babae, maituturing na pagpapakita na ito ng katatagan.

Hindi ba’t sa edad na ito ay malaya at may angking ka­talinuhan na ang pag-iisip ng isang babae. Sa edad na ito ay mabunga na ang pag-iisip nito. Malayo na ang nalalakbay.

Ganito ang Pilipino Star NGAYON sa edad na 28 matatag, malaya, matalino at liberal.

Napakaraming taon na ang lumipas, halos tatlong dekada na ng isilang ang Pilipino Star NGAYON. At habang tumatagal ay lalo lamang na nagiging steady ang pag-angat ng Pilipino Star NGAYON.  Mas mara­ming matino at makabuluhang babasahin sa PSNGAYON kumpara sa ibang mga naglipanang tabloids.

Sa bawat taon ng paglalakbay, mas mahusay ang bawat pahina.

Kaya sa mga gaya ko na empleyado ng PSNGA­YON, tayo ay Great@28.

* * *

Kinailangan dumaan sa butas ng karayom ang Ate­neo Lady Eagles upang makuha ang kauna-unahang UAAP volleyball crown noong Sabado. Halos pigil ang aking hininga sa bawat hampas ng bola sa isang maituturing na pinakamagandang laban sa UAAP volleyball.

Sa kampeonatong iyon, gumawa na ng sariling ka­saysa­yan ang Ateneo volleybelles

Pero kung tutuusin halos isang buwan na ang na­kakaraan ng simulan ng Lady Eagles ang kanilang paglalakbay papunta sa kampeonato nang tumapos sila ng ikatlo sa elimination round.

Hindi katulad noong nakaraang taon na halos ina­­asahan ng lahat na sila ang magkakampeon, pero tumapos lamang ng ikatlo ang  Lady Eagles.  

Sa semifinals ay tinalo ng Lady Eagles ang No. 4 na Adamson Lady Falcons sa step-ladder semis, bago sinunod ang NU Lady Bulldogs sa knockout game.

Kung tutuusin nga ay underdog ang Ateneo kum­para sa mga Lady Bulldogs, Lady Spikers at Lady Fal­cons.

Binaligtad ng Lady Eagles ang thrice-to-beat advantage ng La Salle sa impresibong 25-23, 26-24, 25-21 panalo para sa kampeonato na pumutol sa hangarin ng La Salle na makamit ang four-peat.

Ito na kaya ang panahon para sa Ateneo volleybelles na sila naman ang magdomina sa liga?

 

ADAMSON LADY FALCONS

ATENEO

LA SALLE

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with