Gilas binigyan ng deadline ng FIBA para maayos ang dokumento ni Blatche
MANILA, Philippines - May hanggang Hulyo 15 pa ang Samahang BasÂketbol ng Pilipinas (SBP) upang ayusin ang naturaÂlization documents at PhiÂlippine passport ni Andray Blatche at makaabot sa FIBA deadline sa pagsusumite ng 24-man roster para sa 2014 World Cup sa Spain.
Ang kabiguan ng SBP na maibigay ang dokumento ni Blatche sa FIBA ay magreresulta sa mulÂltang $28,000 bukod pa sa awtomatikong hindi paglilista sa pangalan ng Brooklyn Nets center para sa World Cup na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.
Ang naturalization ni Blatche ay kasalukuyang nasa legislative process.
Inaprubahan ng Congress ang panukala ni Rep. Robbie Puno sa ikatlong pagbasa noong Lunes para bigyan ng naturalization si Blatche.
Para madala ito sa pleÂnary, ang panukala ay daÂpat munang dumaan sa Justice Committee ni chairman Rep. Neil Tupas, Jr.
Ngayon ay ang Senado naman ang mag-aÂapruba sa naturang apliÂkasÂyon.
Matapos sa Congress at Senate, ang dokumento ni Blatche ay dadalhin kay President Aquino para sa huling ‘go-signal’.
- Latest