^

PSN Palaro

Texters, Express namayani

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3:30 p.m. Rain or Shine

vs Alaska

5:45 p.m. Meralco

vs Globalport

 

MANILA, Philippines - Tila nagkamali ng desis­yon ang San Miguel Beer na palitan si Josh Boone nang mabigong ihatid ni Kevin Jones ang Beermen sa panalo.

Gumawa si Richard Howell ng 38 puntos upang ibigay sa Tropang Texters ang ikatlong sunod na panalo sa bisa ng 107-99 pag­likida sa Beermen sa  2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ay naghatid sa Texters na upuan ang solong liderato taglay ang 3-0 win-loss slate, habang natikman ng Beermen ang kanilang unang kabiguan sa tatlong laro.

Samantala, ang pagdedepensa sa scorer na si Joshua Dollard ng Energy Cola ang naging prayoridad ni Herve Lami­zana ng Express.

Sumandal sa kanilang mga local players sa first half at sa fourth quarter, pinabagsak ng Air21 ang Barako Bull, 103-85, para sa solohin ang ikatlong puwesto sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Express mula sa isang kabiguan kasabay ng pagpigil sa asam na ikalawang sunod na panalo ng Energy Cola.

Ayon kay head coach Franz Pumaren, mas na­pa­kinabangan niya ang depensa ni  Lamizana kontra kay Dollard.

Matapos mabigong umiskor sa first half dahil sa pagbabantay kay Dollard ay tumapos pa rin si La­mizana na may 24 points, ang 21 dito ay kanyang ibinuhos sa third period.

Nalimitahan naman ni Lamizana si Dollard, umiskor ng average na 44 points sa kanyang unang dalawang laro para sa Energy Cola, sa 12 points.

Matapos kunin ang isang 19-point lead, 67-48, sa dulo ng third quarter mula sa technical free throw ni Mac Cardona ay ibinaon pa ng Air21 ang Barako Bull sa pamamagitan ng isang 35-point advantage, 93-58, sa 7:33 ng final canto.

Air21 103 - Lamizana 24, Ramos 17, Cardona 15, Taulava 14, Burtscher 8, Matias 7, Villanueva 5, Yeo 5, Jaime 2, Poligrates 2, Sharma 2, Atkins 2, Borboran 0, Camson 0.

Barako Bull 85 - Intal 18, Miranda 18, Dollard 12, Miller 10, Pennisi 9, Lastimosa 6, Jensen 4, Buenafe 4, Fortuna 3, Wilson 1, Deutchman 0, Isip 0, Marcelo 0, Pena 0.

Quarterscores: 16-17; 45-32; 75-57; 103-85.

Talk ‘N Text 107 - Howell 38, Alapag 18, De Ocampo 16, Castro 10, Fonacier 8, Canaleta 6, Reyes Ry. 5, Aban 3, Carey 2, Williams 1, Reyes Ro. 0, Baclao 0.

San Miguel 99 - Jones 35, Hubalde 14, Lassiter 12, Lutz 9, Santos 9, Fajardo 7, Mercado 5, Kramer 4, Tubid 2, Ross 2, Maierhofer 0, Duncil 0.

Quarterscores: 26-19, 51-38, 77-68, 107-99.

vuukle comment

BARAKO BULL

BEERMEN

DE OCAMPO

DOLLARD

ENERGY COLA

FRANZ PUMAREN

HERVE LAMI

LAMIZANA

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with