^

PSN Palaro

Bradley babagsak sa jabs ni Pacquiao

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat paghandaan ni Timothy Bradley ang mga su­nud-sunod at malalakas na jabs mula kay Manny Pacquiao sa kanilang rematch sa Abril 12.

Inihayag ni trainer Freddie Roach na pinabibilis niya ang mga jabs ni Pacquiao dahil ito ang nakikita niya na magtutulak sa hanap na knockout win laban sa WBO welterweight champion.

“He can knock guys out with his jab. It’s fast hard and quick and I’ve been telling him he needs to use it more,” wika ni Roach sa panayam kay Kevin Lole.

Naipaunawa na niya sa Pambansang kamao ang bagay na ito kaya’t sa kanilang ensayo ay nakatutok sila sa kung paano pabibilisin pa ang mga jabs nito.

“In sparring, I’ve been getting him to double, triple and even throw four at a time. It sets up his left hand well,” dagdag pa ni Roach.

Hangad ni Pacquiao ang makapagtala ng kumbinsidong panalo kay Bradley para maibaon sa limot ang kontrobersyal na split decision pagkatalo noong 2012.

Para mapaghandaan nang mabuti ang rematch, si Pacquiao ay nagbukas ng pagsasanay sa General Santos City at nakatulong niya bilang sparmate si Lydell Rhodes na humanga sa angking bilis at talino sa ring ng natatanging 8-division world champion.

Kahit ang tinalo sa huling laban ni Pacquiao na si Bran­don Rios ay naniniwalang magiging problema ng walang talong si Bradley ang mga bilis ng suntok ni Pac­man lalo pa’t nanggagaling ito sa iba’t ibang anggulo kaya’t mahirap depensahan.

Handa naman si Pacman na maging agresibo at ipatikim ang kakaibang mga jabs kay Bradley na umukit ng mga decision wins laban kina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez matapos pataubin si Pacquiao.

BRADLEY

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

JUAN MANUEL MARQUEZ

KEVIN LOLE

LYDELL RHODES

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with