^

PSN Palaro

Kobe Bryant sa 2014-2015 NBA season na babalik

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa masamang taon ng multi-titled na koponan ng Los Angeles Lakers, napagdesisyunan ng kanilang pamunuan na huwag nang pabalikin ang kasalukuyang nagpapagaling na si Kobe Bryant.

Wala nang pagasang pumasok sa playoffs ang Lakers na bitbit ang 22-42 win-loss record kaya naman pinili na ng koponan na pagpahingahin na lamang si Bryant upang maging maganda ang kalusugan sa susunod na season.

Nakabalik si Bryant sa 2013-2014 season matapos magdusa sa Achilles injury noong Abril 2013, ngunit anim na laban lamang ang kanyang nilaro bago naman mabalian ng buto sa kanyang kanang tuhod.

Sinabi ni Bryant na magiging kakaiba ang susunod na season kumpara sa sinapit ng kanyang koponan ngayon na puro talo kabilang ang mga tambakang pagkatalo laban sa Los Angeles Clippers.

"I don't want to say I'll be back at the top of my game," wika ni Bryant.

"Because everybody is going to think I'm crazy, and it's the old-player-not-letting-go sort of thing. But that's what it's going to be."

Inakala ng Lakers na anim na buwan lamang ang kailangang ipahinga ni Bryant upang gumaling ang bali sa tuhod ngunit naging mabagal ang paghilom nito.

Kahit ibinoto ng mga fans ay hindi nakalaro sa 2014 All-Star Game si Bryant dahil pa rin sa iniindang bali.

Bago magsimula ang ngayong season ay muling kinontrata ng Lakers ang 25-anyos na si Bryant ng dalawa pang taon.

ABRIL

ALL-STAR GAME

BRYANT

INAKALA

KAHIT

KOBE BRYANT

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

NAKABALIK

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with