^

PSN Palaro

Dagmil inilabas ang galit kay athletic coach Joseph Sy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakita na may paks­yon ang PATAFA nang lu­mabas si Henry Dagmil para tirahin ang kanyang coach na si Joseph Sy na ina­akusahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi na­ga­gampanan ang trabaho katulad ng assistant na si Ro­salinda Hamero.

Sa tanggapan ni PSC Commissioner Jolly Gomez humarap sa mga ma­­mamahayag si Dagmil at tinawag si Sy na ma­­kapangyarian at tila pa­­­ngulo ng PATAFA sa panahong hindi nakakapunta si Go Teng Kok.

“Puwede niya kaming tanggalin sa talaan at ilang beses na niya rin akong binalaan na aalisin,” wika ni Dagmil, isa sa anim na man­lalaro na nanalo ng gin­tong medalya sa long jump event sa Myanmar SEA Games.

Pinatotohanan din niya ang akusasyon ni Gomez na hindi nagagawa ni Sy ang kanyang trabaho dahil mula nang napasok siya sa national team noong 2000 ay hindi siya nabigyan ng matinong programa.

Si Sy ay coach din ni Dag­mil sa Mapua at siya ang nagpasok sa kanya sa national team.

“Lagi akong humihingi sa kanya ng programa pero wala siyang naibibigay. Ka­ya noong 2008 Beijing Olympics ay bumaba ang per­formance ko,” wika pa nito.

Hindi rin niya binigyan ng kredito si Sy sa mga gintong medalya na kanyang nahablot sa SEA Games noong 2005 sa Manila at 2007 sa Thailand bukod sa Myanmar dahil sariling kayod umano ang lahat ng ito.

Ibinuko pa ni Dagmil si Sy na nagpapautang at ang mga ATMs na mga bi­nigyan ay nasa kanyang pa­ngangalaga.

Si Dagmil ang kauna-una­hang atleta ng PA­TAFA na lumabas at nagsalita pe­ro nauna rito ay apat na kasapi ng asosasyon sa pa­ngunguna nina coach Ar­nold Villarube at Jesson Ramil Cid na gold me­dalist sa Myanmar ay naglabas ng affidavit patungkol sa pagkuha ni Sy sa kanilang ATM matapos mangutang.

Naniniwala si Gomez na tumibay pa ang kanyang itinutulak na mawala sa talaan ng PSC sina Sy at Hamero dahil sa ba­gong akusasyon hinggil sa paghawak ni Sy sa ATM ng mga manlalaro na ipinagbabawal ng komisyon.(ATan)

vuukle comment

BEIJING OLYMPICS

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

DAGMIL

GO TENG KOK

GOMEZ

HAMERO

MYANMAR

SHY

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with