Ravena nagpasiklab sa panalo ng Dark sa Seaoil NBTC HS All-Star Game
MANILA, Philippines - Lumabas si Thirdy RaÂvena ng Ateneo bilang pinakamahusay na manlalaro na sumali sa Seaoil NBTC High School All-Star Game noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tumapos si Ravena taglay ang 11 puntos, limang rebounds at apat na assists para tulungan ang Seaoil Extreme-Dark sa 123-94 paglampaso sa Seaoil Mako-Light.
Walong puntos ang kanyang ibinigay sa ikatlong yugto para ilayo ang Dark sa 87-67.
“It’s not everyday that you get to play with the best high school players in the country so I tried to play my best in the game,†wika ni Ravena na siya ring ginawaran bilang Most Valuable Player ng laro.
Si Diego Dario ng UP ang nanguna sa nanalong koponan sa kanyang 18 puntos habang sina Manuel Mosqueda ng NU at Joshua Serrano ng Malayan High School ay may tig-14 puntos.
Ang iba pang kasapi ng Dark team ay sina Rashleigh Paolo Rivero ng College of Saint Benilde, RiÂchard Escoto ng Far Eas-tern University, Arvin Tolentino at Adven Diputado ng San Beda, Alfen Gayosa at Ryan Paule Costelo ng San Sebastian, Renzo Subido ng De La Salle-Zobel, Isaac Go ng Xavier, Arnie Padilla ng Sacred Heart School of Cebu, Joshua Edjan ng Hua Siong College of Iloilo, at Allyn Bulanadi ng Assumption College of Davao.
Sina Ivan Villanueva ng Letran, John Apacible, at Arjan Dela Cruz ng Hope Christian High School, Janhubert Cani at John Paul Cauilan ng National University, Javee Mocon at Ranbill Tongco ng San Beda, Michael Calisaan ng San Sebastian, Jarell Lim ng Xavier, Allen Delos Santos ng Claret School Zamboanga, Glenn Gallardo ng Sacred Heart of Jesus Montessori-Cagayan De Oro, at Keith Lowell Pido ng West Negros University-Bacolod ang kumumpleto sa Light.
- Latest