^

PSN Palaro

Sa pagbubukas ng PBA D-league aspirants cup Giants palalakasin ni Canada

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagpasok ng be­teranong guard na si Jerick Canada ang siyang nakikitang rason ng Jumbo Plastic Giants para maniwalang kaya nilang higitan ang magandang tinapos sa Aspirants Cup sa gaga­naping PBA D-League Foundation Cup.

Si Canada ay naging Filipino import ng Indonesia Warriors sa ASEAN Basketball League (ABL) at ang karanasan niya ang makakatulong para ga­bayan ang batang koponan na Giants.

“We are a young team pero maganda ang projection namin this conference dahil may beteranong point guard na kami,” wika ni Giants assistant coach Joel Dualan.

Hindi na makakasama ng Jumbo Plastic ang pambatong sentro na si Jason Ballesteros na kinuha ang alok na maging practice player ng San Miguel Beer.

Pero nakuha ng kopo­nang hinahawakan ni head coach Stevenson Tiu si dating Mapua center Mike Parala para punuan ang nasabing puwesto.

Wala na rin sa koponan sina Dave Najorda, Harold Arboleda, John Melegrito, Lyle Antipuesto at Justin Alano pero kinuhang kapalit sina Lee Denice Villamor at Jopher Custodio.

Ito ang ikatlong confe­rence ng pagsali ng Giants at galing sila sa pagtapak sa quarterfinals sa Aspirants Cup.

Tumapos sila sa ikatlong puwesto sa elimination round at hinawakan ang twice-to-beat advantage ngunit ang kawalan ng karanasan sa paglalaro sa round na ito ay nagresulta upang matalo sila ng dalawang sunod sa Blackwater Sports.

“Sayang. But we’re a young team and we still have a lot of room for impro­vement,” dagdag ni Dualan.

Sampung koponan sa pangunguna ng nagdedepensang kampeon Elite ang magbabanggaan sa Foundation Cup na magsisimula na sa Marso 24 sa The Arena sa San Juan City. 

Nagpalakas din ang Elite sa paghugot sa sentro na si Reil Cervantes bukod sa mga guards na sina Don Trollano at John Pinto.

Bagamat lahat ng koponang kasali ay palaban sa titulo, ang tiyak na makakaribal ng Blackwater ay ang NLEX Road Warriors.

 

vuukle comment

ASPIRANTS CUP

BASKETBALL LEAGUE

BLACKWATER SPORTS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAVE NAJORDA

DON TROLLANO

FOUNDATION CUP

HAROLD ARBOLEDA

INDONESIA WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with