^

PSN Palaro

Imbestigasyon ng PSC kina Sy, Hamero gumulong na

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakamit na nina PATA­FA national coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero ang hinahanap na ‘due pro­cess’ nang isinagawa kahapon ang imbestigasyon sa akusasyon na ibinato sa kanila ni PSC commissioner Jolly Gomez.

Sina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC board secretary at legal di­vision head Atty. Yen Chan at  badminton national coach Allan de Leon ang tinapik ni PSC chairman Ricardo Garcia para dinggin ang panig nina Sy at Hamero na ina­lisan ng buwanang sahod na nasa P20,000 bunga ng akusasyon ni Gomez na hindi nila nagagampanan ang kanilang mga trabaho.

“Maganda naman ang nangyari at ang composition ng panel ay well represented. Pinagsalita nila kami base sa mga accusations sa amin,” wika ni Sy.

Ilang oras din ang inabot ng pagdinig at ang komite ay gagawa ng kanilang reko­men­dasyon sa problema at ipapasa sa PSC board na nakatakdang magpulong sa Miyerkules.

Inatasan ni Garcia ang imbestigasyon matapos magreklamo si PATAFA pre­sident Go Teng Kok na hindi nabigyan ng ‘due process’ ang kanyang mga coaches at agarang tinanggal sa talaan ng mga coaches na sumasahod sa PSC.

Naunang tiniyak ni Garcia na mga taong makaka­intindi sa problema ang kanyang ilalagay para makapaglabas ang  mga ito ng tamang rekomendasyon.

Sumilip din si Go bago isinagawa ang imbestigas­yon at pasado sa kanya ang mga taong kinuha ni Garcia sa panel.

“I went to the PSC to see who are the people who will compose the panel. After that, I left because I don’t what to influence any of them. Happy ako sa nakita ko,” wika ni Go.

May kumpiyansa naman ang dalawang coaches na nasagot nila ng maayos ang akusasyon sa kanila para maabsuwelto sa reklamo.

“They may have judged us on what they hear or read but God will judge me based on what is in my heart. I believe that we will be vindicated,” dagdag pa ni Sy.

 

GARCIA

GO TENG KOK

JOLLY GOMEZ

JOSEPH SY

RICARDO GARCIA

ROSALINDA HAMERO

SHY

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with