^

PSN Palaro

Kailangang paspasan ang pangungumbinsi kay Mayweather para labanan si Pacquiao bago magretiro

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangan palakasin ang ginagawang pangu­ngumbinsi sa pound for pound king Floyd Maywea-ther Jr. para maganap ang pinakahihintay na pagkikita nila ni Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ito ay matapos ihayag ni Mayweather na tatlong la­ban na lamang ang kanyang gagawin matapos ang sagupaan nila ni Marcos Mai­dana na nakakalendar­yo sa Mayo 3 sa MGM Grand  Arena sa Las Vegas.

Kung dalawang laban ang balak gawin ni Maywea­ther sa taong ito, manga­ngahulugan na huling taon na niya ang 2015.

Hinarap ng WBC welter­weight na si Mayweather ang mga mamamahayag sa press conference para sa laban nila ni Maidana at inamin din niya na totoo na namimili siya ng mga ma­kalalaban.

Pero hindi ito nangangahulugan na umiiwas siya na harapin ang mga malalaking pangalan sa sport na ito.

Ang gusto umano niyang kalaban ay isang bok­singero na nakuha ang kanyang paghanga dahil sa ginawa sa ibabaw ng ring.

Tinuran pa niya si Maida­na na kanyang pinili laban kay Amir Khan na naunang pumutok ang pangalan bilang kalaban ni Mayweather.

Pero napahanga siya sa galing ng 30-anyos na Ar­gentinian boxer matapos gulatin ang lahat nang agawin ang WBA title ni Adrien Broner sa pamama­gitan ng unanimous decision noong Disyembre..

May tsansa naman si Pacquiao na painitin pa ang pangalan bilang posibleng kalaban ni Floyd pero kaila­ngan niya na makapagtala ng matinding panalo kay WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanyang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand Arena.

ADRIEN BRONER

AMIR KHAN

FLOYD MAYWEA

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MARCOS MAI

MAYWEATHER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with