Pacquiao mainit na sinalubong sa LA
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, sinalubong si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ng kanyang mga fans sa pagdaÂting niya sa Los Angeles International Airport.
Nakasuot ng itim na leather jacket, stripe na blue polo shirt at blue jeans, nanggaling ang 35-anyos na si Pacquiao sa isang 12-hour flight mula sa Maynila.
Isa sa mga sumalubong kay Pacquiao ay ang dati niyang strength and conditioning coach na si Justine ForÂtune.
Para sa kanilang rematch ni World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. ay muling kinuha ni Pacquiao si Fortune sa kanyang kampo.
Si Fortune ang unang naging strength and conditioning coach ng Sarangani Congressman sa US bago kuÂmalas ang dating Australian heavyweight fighter matapos makaalitan si chief trainer Freddie Roach noong 2007.
Maluwag namang tinanggap muli ni Roach ang pagÂbabalik ni Fortune, minsan nang tinalo ni dating world heaÂvyweight king Lennox Lewis, sa kanilang kampo.
Nakasama nina Pacquiao at Roach sa kanilang pagdating sa US sina sparring partner Lydell Rhodes, assistants Buboy Fernandez at Roger Fernandez at adviser Mike Koncz.
Apat na linggo ang magiging panahon ng pagsasaÂnay ni Pacquiao bago ang muling pakikipagkita sa 30-anyos na si Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Wala namang inihayag na naging problema si Roach sa pag-eensayo nila ni Pacquiao sa General Santos City.
“We had a great camp in the Philippines and Manny, as usual, is way ahead of schedule in his conditioning, and very motivated,†sabi ni Roach.
Nakatakdang simulan nina Pacquiao at Roach ang kanilang training camp bukas (Manila time)
“The real business begins for us on Monday at Wild Card. We have great sparring waiting for Manny. He wants that title back,†ani Roach.
- Latest