Matapos isubi ang ika-8 titulo sa NCAA Cheering competition, National Cheerleading Championship ang sunod na tatargetin ng Altas Perps Squad
MANILA, Philippines - Noong 2003, ang Perpetual Help ay nagsisimula pa lamang pag-aralan ang mga galaw na kailangan sa Cheerleading Competition.
Sampung taon ang lumipas, ang Altas na ang tinitingala bilang pinakamaÂhusay sa event na ito sa NCAA.
Hinawakan ng PerpeÂtual Perps Squad ang ikaÂlimang sunod na titulo noong Huwebes nang pagÂharian pa ang 2014 edisÂyon sa nakuhang 480.5 punÂtos.
Ito na rin ang ikawalong titulo ng Perpetual sa 10 edisyon at tinukoy ng coach na si Ruf Vandolph Rosario na ito ay nangyari dahil sa dedikasyon sa pagsasaÂnay, disiplina at tiwala sa isa’t isa.
“From the start, we always preach the words hardwork, discipline and faith on each other’s ability,†wika ni Rosario.
Hindi rin tumigil ang coaching staff sa paghahaÂnap ng paraan para mapaÂganda pa ang mga routines kaya’t lagi silang may bagong ipinakikita sa mga acrobatic stunt, pyramid, cartwheel at sayaw.
“We know that the other schools have improved so we made sure our routines and stunts will be more difficult this year,†dagdag ni Rosario.
Inialay ng koponan ang tagumpay sa mag-amang sina Antonio at Anthony Tamayo na walang saÂwang ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ng koponan.
Matapos ang NCAA, ang tatargetin ng Perpetual ay ang kampeonato sa National Cheerleading Championship.
“Hopefully, we can make the school proud again by winning this next event we’re joining,†dagdag pa ni Rosario.
- Latest