^

PSN Palaro

Blazers tinapos ang pagha-hari ng Lions sa NCAA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang panalo ng College of St. Benilde sa men’s beach volleyball ang siyang sinandalan ng paaralan para lumabas bilang overall champion sa seniors division sa pagtatapos ng 89th NCAA season.

Ito ang ikaapat na pa­­nalo ng Blazers sa 11 sports na pinaglalabanan sa pinakamatandang collegiate league sa bansa upang lagyan ng tuldok ang produktibong pagtayo bilang host ng season.

Kampeon din ang St. Benilde sa  men’s at wo­men’s badminton at men’s tennis. Ngunit nakatulong ang paglapag sa pangalawang puwesto ng mga inilahok sa men’s at women’s swimming, men’s chess, wo­men’s table tennis at women’s taekwondo para makalikom ng nangungu­nang 550.5 puntos sa overall race.

Natapos ang paghahari ng three-time defending champion San Beda nang kapusin sila ng 5.5 puntos sa pumapangalawang 544 puntos habang ang San Sebastian ang pumangatlo sa 428 puntos.

Ang Arellano ang pu­mang-apat sa 413.5 puntos bago sinundan ng Letran (371), Emilio Aguinaldo College (367), Perpetual Help (340), Lyceum (279), Mapua (170) at Jose Rizal University ( 132).

 

ANG ARELLANO

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MEN

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with