^

PSN Palaro

NCAA Cheering Competition sa MOA Altas Perps target ang ika-8 titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng University of Perpetual Help System Dalta na palawigin ang kanilang dominasyon sa Cheering Competition sa pagtiklop ngayon ng  NCAA Season 89  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang kompetisyon ganap na alas-12 ng tanghali kung saan puntirya ng Altas Perps Squad na masikwat ang kanilang record na ikawalong titulo.

Ngunit hindi magi­ging madali ang misyon ng Perpetual Help tiyak na magbibigay ng matinding laban ang Arellano University at Emilio Aguinaldo College, na gumawa ng malaking sorpresa matapos upuan ang ikalawa at ikatlong posisyon, ayon sa pagkakasunod.

Ihahayag din ng pinakamatandang collegiate lea­gue sa bansa ang ge­­neral championship trophies sa pamamagitan ng formal announcement ng mga nagwagi sa juniors at seniors division matapos ang cheerleading competition.

Dikdikan ang labanan ng season host College of Saint Benilde at defen­ding champion San Beda sa sa overall championship.

Tampok din sa okasyon ang pormal na paglilipat ng St. Benilde ng hosting ng Season 90 sa Jose Rizal University.

vuukle comment

ALTAS PERPS SQUAD

ARELLANO UNIVERSITY

CHEERING COMPETITION

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with